January 7, 2010

Mabuhay!

Wow! back to reality na tayo mga kaibigan! Nagsimula na ulit ang pagsusulat at pagda-dub ng mga tao. Pero ako, hindi lang 'yun ang nagsimula ulit. Feeling ko kasi bumabalik na 'yung drive ko sa pagda-drawing. Tatlong araw na akong nagdo-drowing ng kung anu-ano. :) Balak ko ring gawin ulit yung istoryang ginawa namin ni Joanne nung highschool pa lang kami. Kaso medyo nahihirapan ako kasi wala akong ka-brainstorming. :P Kapag mga ganitong gawain kasi, mas komportable ako na may kapalitan ng ideas tungkol sa panelling, takbo ng story, etc. Well, heto ang ilan sa pinaggagagawa ko:



Sana magtuloy-tuloy 'tong drive na 'to. Baka sakaling may mailako ako sa Komikon. :P

1 ang umalma:

JP Angeles said...

Whoa! You're going to Komikon this year?