Kahapon, nagsimula na naman ang isang bagong project. Nag-start na kaming mag-dub ng Ben 10 na ipapalabas sa July 1 sa TV5. Masaya ako, kasi ngayon na lang ulit ako makakapagdub ng cartoons after ng Naruto Shippuuden. Astig din kasi I got the chance to dub Tara Strong's character Ben. Si Tara Strong din nga pala 'yung nagboses kay Timmy Turner ng Fairly Odd Parents and Bubbles ng Powerpuff Girls. :D Kaso nga lang, medyo nabitin ako kasi pagnaging alien na si Ben, 'yung mga lalake na ang sasalo sa characters. (>_<) Oh well, excited lang talaga siguro ako kaya ako nabitin. ^_^;

Phew! Normal na ulit ang body clock ko! Maaga akong natulog at umaga na ako nagising! Pero sana lang magtagal 'to bilang puyatan na naman sa dubbing sa mga susunod na araw. Hehehehe. Balik na muna ako sa pag-iinternet. Mamaya kailangan ko nang magsulat ulit at umalis para sa dubbing! Kudos! :D
0 ang umalma:
Post a Comment