Waaaaahhhhhh!!! Ang tagal kong hindi nag-post! Sobrang daming nangyari nung last quarter ng 2010. Trabaho, school, health issues, realizations, etc... Well, ang mahalaga, napagdaanan na 'yon at heto na tayo sa kasalukuyan. Heads up pa rin at go lang nang go sa anumang darating. :D
Nakup, kailangan ko na palang mag-translate ng Malparida. Deadline na nun sa Friday! Hehehe. Hindi ako makakapunta sa hazing--este, kick boxing lesson ko. >_<; Wala naman din akong magagawa. Susubukan ko na lang bumangon mamaya at mag-exercise dito sa bahay. Kailangan din pala talagang maaga akong bumangon bilang mahaba ang gagawin kong show. がんばりますよ!(の_の)
Excited na akong manood ng Tangled sa Saturday pagkatapos ng lahaaat-lahaat ng aasikasuhin ko that day. :) Kapapanood lang namin ng Black Swan (salamat kay Diva Dubber) nung isang gabi, at nakow, grabe lang si Natalie Portman. Parang abnormal lang sa husay! Ang layo sa acting ni Jessica Alba na dinub ko sa Fantastic 4 na ipapalabas na sa TV5. (Hehehe! Plugging!) Gusto ko na Tangled na ang mapanood ko, kasi ang ganda talaga nung Black Swan. Dapat matapatan 'yung ganda at enjoyment. :) Hehehe!
Soooo, 'yun muna sa ngayon. Bahala na si Batman... O si Beast Boy kaya? Hehehe! おやすみなさいみんな!じゃ!またね!
0 ang umalma:
Post a Comment