February 22, 2012


Well... Here I am again. I'm not promising na bubuhayin ko na naman ang blog na ito, okay? Baka mapako na naman eh. Hahaha! Any way, here it goes:

Nag-eenjoy ako sa swimming lessons ko. Ang dami kong natututunan at feeling ko hindi ako napapagod. Pero parang lumalakas naman akong kumain after! But I must resist! (>_<)/ Bumili ako ng flippers para doon. In fairness, mas masaya naman na lumangoy na naka-flippers. :)

February 7, 2011

Sunday...

Sunday... Kanina. Well, medyo chillax ng konti at Linggo naman. :) Went to the gym as I usually do. Balik na naman ako sa usual routine ko ng pagtakbo and konting stretching at weights. Nag-try kasi ako mag-hire ng trainer. Hmmm, actually, masaya naman, pero mas komportable ako na mag-isa lang ako sa pag-e-exercise ko. Akala ko nga nung nagsisimula pa lang ako, hindi ako tatagal dahil sa boredom, yun pala, mas okay pa ako na mag-isa. :P



Anyway, after ko sa gym, dumiretso na ako sa Cainta para sa baby shower ng pinsan ko na si Ate Joan. Anytime, magkakaro'n na naman ako ng pamangkin. :D Sana sumwakto sa February 17 para magka-birthday kami. Hehehehehe. Anyway, after kong kumain at chumika ng konti, nakatulog ako habang kasama ko sa room ang dalawang pinsan ko na, well, busy sa pagdo-DOTA.



Nakapanood na nga pala kami ng Tangled! Nakakatuwang palabas. :D Ang ganda ng songs nila. SIyempre, bilang Disney 'yun, 'di ba? Ano pang aasahan natin. :D Gusto ko 'yung lead na guy, si Eugene aka Flynn Rider. Para siyang si Aladdin! :)

February 4, 2011

ITS 3:29 AM... KUMUSTA NAMAN 'YUNG NAKA-ALL CAPS PA RIN AKO BILANG GALING SA PAG-IISKRIP? *ahem* Ayan. Normal na. Phew! Thank God! Nakatapos na naman po ako ng isang epsiode ng Malparida. Sana maging smooth po ang dubbing namin mamaya ng Dora at Malparida. :)

Soooooooo~ Kick boxing, then dalawang dubbing, then, aral para sa Saturday. Grabe. Hindi ko alam kung paano ko nagagawa ang lahat ng bagay na 'to. Maraming salamat sa napakabait nating si God para sa lakas na binibigay niya sa akin. Magsisimula na rin nga pala akong magtrabaho ulit para sa Mustard magazine. So, goodluck naman sa oras. Hindi pa kami nagkakalinawan ni Ate Nova tungkol sa tf. Sana maayos ko na 'yun. At sana... sana... sana... SANA MAGKARO'N PA AKO NG ENERGY MAMAYA!! >_<;;;;

Sige na... Tulog na tayo. おやすみなさいみんなさん。がんばりましょう。いけ!!!!

February 2, 2011

Panahon na Upang Buhayin ang BLOG na Ito!

Waaaaahhhhhh!!! Ang tagal kong hindi nag-post! Sobrang daming nangyari nung last quarter ng 2010. Trabaho, school, health issues, realizations, etc... Well, ang mahalaga, napagdaanan na 'yon at heto na tayo sa kasalukuyan. Heads up pa rin at go lang nang go sa anumang darating. :D

Nakup, kailangan ko na palang mag-translate ng Malparida. Deadline na nun sa Friday! Hehehe. Hindi ako makakapunta sa hazing--este, kick boxing lesson ko. >_<; Wala naman din akong magagawa. Susubukan ko na lang bumangon mamaya at mag-exercise dito sa bahay. Kailangan din pala talagang maaga akong bumangon bilang mahaba ang gagawin kong show. がんばりますよ!(の_の)

Excited na akong manood ng Tangled sa Saturday pagkatapos ng lahaaat-lahaat ng aasikasuhin ko that day. :) Kapapanood lang namin ng Black Swan (salamat kay Diva Dubber) nung isang gabi, at nakow, grabe lang si Natalie Portman. Parang abnormal lang sa husay! Ang layo sa acting ni Jessica Alba na dinub ko sa Fantastic 4 na ipapalabas na sa TV5. (Hehehe! Plugging!) Gusto ko na Tangled na ang mapanood ko, kasi ang ganda talaga nung Black Swan. Dapat matapatan 'yung ganda at enjoyment. :) Hehehe!

Soooo, 'yun muna sa ngayon. Bahala na si Batman... O si Beast Boy kaya? Hehehe! おやすみなさいみんな!じゃ!またね!

July 4, 2010

Hick Kick'n Trip!





Hei (Myra/Cindy), Jeck (Rico) and Me (Remy/Tina)! High Kick bagets! :D